All I want you to Know

  1. TRIVIA

    When You lift the phone You say
    HELLO..

    Do u know what is the Real
    meaning of HELLO?

    It is the name of a girl..!
    … Yes!!

    And Do u knw who is dat girl?
    Margaret hello..

    She is girlfriend of Grahmbell who
    invented telephone.

    One can forget the name of Grahmbell but not his girlfriend!
    Thats LOVE.

  2. Kung Sikat ba ako?

    Matindi ako mangarap nung bata ako, gustong gusto kong maging sikat. Gusto ko paglaki ko lahat ng mga naging kaibigan at ka klase ko mula elementary hanggang pag graduate sa college magsasabi yan ng congratulations. Pero maaga din akong nagising sa kahibangang ito.

    Grade 1 agad ako, hindi ko naranasan mag kinder 1, 2 and 3 pero nakapasok naman ako sa Prep school, kaso lang wala na akong maalalang ginawa ko nuon, parang puro laro nalang naiwan sa alaala ko.

    Being the youngest and take note during this year I was already labeled as the noisiest in the class, I was assigned to seat in my teacher’s table. Dahil narin siguro hindi naman talaga ako part ng klaseng iyon, paulit ulit kong naririnig sa nanay ko ang mga salitang “saling pusa,” yun daw ako sa klaseng pinasukan ko.

    Noong una  ang pagkakaintindi ko pusa, ako sa tingin ng lahat kaya teachers table ako naka upo, at hindi pwedeng maihalo sa mga totoo estudyante pero nalaman ko din ang katotohanan, sa edad na 5, napatawag na ako sa Principals office, naging usap usapan agad ito, at doon ako nagsimulang sumikat. Pati parents ng mga ka-klase ko kilala na ako. Siyempre pinakaproud ang nanay ko, sino ba naman ang hindi magiging sikat, being the youngest grade 1 student, pasok sa top 5 at accelerated na to grade two.

    Boom, dumating ako sa grade 3, hindi na ako ganoon kasikat. Konti lang friends ko. Pero feeling ko may pag asa pa ako. Kilala pa ako ng lahat ng mga teachers, mas madami akong kilala sa mga grade 6 kasi crush nila ang kuya ko.

    Sa pagtatapos ng aking elementarya, tuluyan nang nabura ang pangarap kong maging sikat. Graduation day, nakaupo lang ako, walang speech, walang award, I was welcomed by the Anonymous Society.

    Kaya simula noon, ayoko ng maging sikat. Ayoko ng pinag uusapan. Nakaka adik kasi pero katulad din ng mga drugs nakakasama ito sa katawan. I rejected the feeling of being the topic. Kaya nang dumating ako sa High school pinilit kong magpaka invisible.

     Kaka iwas ko, ayun naging topic pa rin ako and worse, in the negative way. Kapag nagsawa na silang asarin ako sa kulay ko, I cocompare naman ako sa mga kuya ko na mas di hamak naman na mas angel ang ugali. Pagkatapos asarin, pagtritripan, pag uusapan sa likod.

    Marami akong hindi nakasundo noon, pero the best parin ang High school life ko, kasi I met my best friends and worse friends, they made me realize what I really wanted to be someday. Dahil sa kanila I learned to express how bad or good I feel about them in the pages of my notebook, Sa likod ng mga quiz paper namin any paper that I can write to.

    Sa High school life ko, natuto ako sa buhay, Na inlove, na heart broken, nag experiment, nakipag talo sa teacher, nakilala ko yung mga taong hanggang ngayon, barkada ko parin, hindi nakakalimot sa mga lakad, sa mga reunion, kasama pa rin nila ako. Kahit naging topic nila ako nuon, ibinaon ko na yun sa limot, ang importante hanggang ngayon matibay parin ang samahan.

    Pero awala ng hihigit pa sa mga bestfriends ko na kahit ibat ibang karera na ang tinatahak ngayon, we remained friends. Hindi man nagkakausap ng madalas, we continue to remember each other at umaasa na mag rereunion din kami, kapag sikat na ako, kung mangyayari man yun, Im looking forward to that.

  3. THE GAME OF LIFE

    Noon, ang akala ko, madali lang ang buhay, parang laro lang na kapag na game over ka pwede mo I restart, pagkatapos iibahin mo lang ang game plan para manalo ka, pero hindi pala ganun kadali ang lahat. Na realize ko na sa laro ng buhay, lumelevel up din pala ang challenges, at ang masakit pa, once that you failed, ang hirap magsimula muli, isipin mo nalang parang sa Snake and Ladder lang yan kapag minalas ka nga naman at natapat sa ulo ng ahas ang peg mo, back to start ka ulit samantalang ang mga kalaro mo malapit na sa finish line.

    Ang mundo ay isang parang napakalaking game board, lahat ng challenges pwede mong ma experience, at ang mas exciting part, lahat ng challenges dito naka shuffle kaya siguradong hindi tayo magkakapareho ng laban.

    May mga larong naka dipende sa swerte mo, may iba naman na naka depende sa diskate mo, pero madalas nakasalalay ang lahat sa kung anong ibibigay sayong numero ng dice. Tulad nalang sa larong Monopoly na pwede kang biglang yaman, o kaya naman unti unting nababankrupt at marami pang pwedeng magyari sa laro mo, pwede kang ma loose a turn or worse ay put to jail.

     Ang pinagkaiba lang ng laro sa totoong buhay ay scoring, bakit? Kasi sa mga laro madali lang maka score ng mataas, kung nakapag laro ka ng ng Tetris alam mo na kung bakit, eh sa totoong buhay, kahit pa anong ayos mo sa mga blocks at kahit anong effort ang gawin mo para hindi tuluyan matabunan ng mga blocks na ito ang mga pangarap mo, walang scoring na nagaganap, ang madalas na nangyayari ay survival of the fittest pero hanggang ngayon hindi parin natin alam kung sino ang mag susurvive, paano, patuloy parin tayo sa larong ito.

    Nakakatuwang isipin na ang laro ay idinesenyo para tayo ay aliwin, pag isipin at higit sa lahat ay paasahing may mapapala tayo kung matatapos natin ang bawat missions at minsan mababalitaan mo pa na ang iba mas matataas na pala ang level sayo, paano nag leak na pala ang cheat codes habang nagpapapaka hirap kang tumatapos sa bawat challenges. Pampalubag loob mo nalng tuloy sa sarili mo, at lease na enjoy mo yung laro pero deep inside nag iisip at nagbabalak ka na ring gumamit ng cheat codes para balikan yung mga part ng challenges na nahirapan ka.

    Sa totoong laro sa buhay wala kang aasahang cheat code, hindi lang nakasalalay ang lahat sa diskate mo, madalas mangyari na pati kapalaran mo nadadamay, paano hindi mo alam kung kakampi mo ba sa labang ito ang iyong tadhana o siya pala mismo ang iyong kalaban.  Hindi mo tuloy masigurado kung anong kahihinatnan.

    Pero sa huli, ikaw parin naman ang naglalaro, kaya kahit pa anong mangyari, ano pang pumigil sayo at kahit anong challenges pa ang harapin mo, laro mo yan, parang sa “Need for Speed” karera mo yan kaya kahit na nasa 4th place ka na 1st Lap palang naman kaya may 2 lapses ka pang pag asa, tuloy lang ang pag drive malay mo mag crush ang mga kotse nila, ikaw pala ang naka tadhanang manalo. Ang importante lang naman sa Laro ay nag enjoy ka.

    Paano iwan ko muna kayo, at maghaharvest muna ako. 

  4. Here is a Trivia that i read about butterflies. As a butterfly enthusiast, I love to do a lot of research about this magnificent creature.
Happy reading :)
Mayans in GuatemalaTzutujil Mayans in Guatemala speak of simultaneous Twin Realities: the world of dreams and the world of work. These worlds are likened to the opposing wings of a Butterfly: the dream world is one wing, and the awake world is the other. They believe the wings must connect at the Heart for the Butterfly to fly and live. Real life occurs because of the interaction of the wings. The Life is the Butterfly’s Heart. Life, like the Butterfly’s Heart, is kept alive by the two opposing, mirroring twinlike wings.

By the way, just in case you visit my hometome in Baguio, dont forget to drop by in one of our famous Butterfly Sanctuary in Camp John Hay.

    Here is a Trivia that i read about butterflies. As a butterfly enthusiast, I love to do a lot of research about this magnificent creature.

    Happy reading :)

    Mayans in Guatemala

    Tzutujil Mayans in Guatemala speak of simultaneous Twin Realities: the world of dreams and the world of work. These worlds are likened to the opposing wings of a Butterfly: the dream world is one wing, and the awake world is the other. They believe the wings must connect at the Heart for the Butterfly to fly and live. Real life occurs because of the interaction of the wings. The Life is the Butterfly’s Heart. Life, like the Butterfly’s Heart, is kept alive by the two opposing, mirroring twinlike wings.

    By the way, just in case you visit my hometome in Baguio, dont forget to drop by in one of our famous Butterfly Sanctuary in Camp John Hay.

Get Tumblr Layouts